Wednesday, October 29, 2008


Nothing Ever Changes...


Meron pa ba? Sana...

Nakita kita kagabi, ibang iba na ang hitsura mo. Mas lalo ka pang gumanda, hindi na kita makilala. Mukha ka namang masaya na sa kalagayan mo, pero ako?.. Ano nga ba?..

Tinitigan kita ng matagal, hindi ka makatingin sa akin. Mukha kang maraming iniisip, ako nama'y hindi makakilos ng maayos. Nanginginig ang katawan ko, marami akong gustong sabihin, mga gustong itanong, pero mas naunahan ako ng katahimikan. Hindi ako maka-imik pag nariyan ka na sa harapan ko. Unti-unting tumulo ang bawat butil ng pawis mula sa noo ko, patungo sa aking palad. Habang lumalalim ang gabi, mas lalong lumalakas ang kaba ko. Pati ang pagtibok ng aking puso, hindi ko mapigilan...

Pero, akala ko, ako lang ang nahihirapan. Halata sa mga mata mo na hindi ka rin makakilos ng maayos. Napansin ko rin na napapatingin ka ng bahagya. May mga panahon na nagsasabay tayo ng tanaw, ngingiti ka lamang at ako'y sasagot sa isang pabirong kindat. Sinubukan mong ngumiti, alam kong nahihirapan ka... Pati ako...

Hindi ko talaga lubos maisip, kung bakit biglang nagbago ang isip mo. Hindi ko maintindihan. Tuumulo ng bahagya ang luha sa mga mata ko, tinakpan ko lamang ito ng aking mga kamay para hindi mo makita. Pinigilan ko ang mga ito sa pagtulo sa pamamagitan ng pag ngiti ko. Mas lalo pang lumakas ang pag nginig ng katawan ko. Muli kitang tinignan, hindi maipinta ang ngiti sa iyong mukha. Marahil ay may iniisip ka rin. Kapareho kaya ng iniisip ko?..

Habang lalong papalapit na ang katapusan ng gabing yaon, mas lalo kong napagtanto na, hindi ko pa pala kaya. Hindi ko pa kaya na wala ka sa piling ko. Naiinis ako, sana talaga pinigilan kita. Mayroon pa rin sa kaloob-looban ng puso ko, naghahangad na sana'y bumalik ka na. Hanggang ngayon, di ka pa rin mawala sa isip ko. Oo, mahal pa rin kita... Mahal na mahal pa rin kita...

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi,
ngunit kailanan ko nang tanggaping wala ka na sa tabi,
Nag - iisa, wala ka na...
Wala ka na, nag - iisa...
Nag-iisa, wala ka na - Noel Cabangon

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 1:22 AM Comments: 1

Thursday, October 23, 2008


For Eternity...


*Nosbleed tagalog up ahead. :P*

Mapipigil mo ba ang damdamin basta basta?

Nakahiga na ako sa aking sariling mundo. Nakakapagod ang araw na ito, pero kahit anong gawin ko, hinding hindi ako makatulog. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, ngunit nanginginig lang ang mga ito. Para bang may mga luha na gustong lumabas mula sa pagkakakubli. Nagpatugtog na lamang ako, para na rin pampatulog, baka sakaling gumana.

"Coz' I'm missing you so bad. Now that you're not by my side."

Hindi ko na rin napigilan. Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Napadilat ako bigla, napatunganga sa kawalan. Hindi ko na kinaya ang sakit na nadarama.
Ang sakit...
Sobrang sakit...

Ito ang pangalawang araw na wala ka. Akala ko, matapos kong maitulog ang lahat, magiging maayos na ang lahat. Oo, nung una, nakakangiti pa ako. Alam kong hindi totoong mga ngiti iyon, pero kahit papaano, masasabing pinipilit ko namang maging masaya. Nakakasalita na ako, nakakahinga na ako ng maayos, nakakakilos na ako ng matiwasay, lahat ng dati kong ginagawa, nagagawa ko na. Naisip ko na, ayos at normal na ang lahat. Akala ko lang pala iyon. Mapalinlang nga naman ang puso...

Pilit ko mang kalimutan ang gabing iyon, lalo lang siyang bumabalik sa akin. Para bang langaw na kahit ilang beses mong paypayin, balik lang ng balik sa iyong mukha. Ang hirap pala kapag sariwa pa ang sugat. Kahit anong pilit mong gamutin iyon, mas lalo lamang sumasakit.

Gumagalaw ang oras, bawat minuto, bawat segundo, mas lalong lumilinaw ang imahe mo sa isip ko. Ang daming ala-alang naiwan; mga ala-alang gusto ko pa sanang madagdagan; mga ala-alang inisip ko na hindi na mawawala habambuhay. Mapalinlang nga naman ang puso. Ganon pala iyon, pag pinilit mo, mas lalaki ang pursyento na hindi mo makuha ang gusto mo. Ang labo ng mundo, ang labo...

"After all this time, after all that we've been through. Baby, aren't you hurting too?"

Kahit na nakatingin ako sa kawalan, maraming pumasok sa isipan ko. Kung paiikliin, isa lang ang magiging konklusyon... Ang tanga ko. May magagawa ako, alam ko, pero hindi ko ginawa iyon. Alam kong may magagawa ako para mapigilan ang pag lisan niya. Pero, natakot ako. Natakot ako na pag pinilit ko pa, baka lalo lang siyang mapalayo sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahong yaon. Para bang, gusto ko nang matapos ang pag uusap namin, para lang mapag-isa ako. Pero hindi, makulit ako. Gusto ko pa ng sobra sobrang sakit. Siguro, may gusto rin akong malaman mula sa kanya. Gusto ko sigurong malaman noon kung bakit bigla na lang nag bago ang isip niya. Ang labo.

"One day you're here, and the next you are gone...."

Alam kong may iba pa siyang rason. Pero sa ngayon, ayaw ko pang malaman iyon. Masakit pa, sobrang sakit. Iba talaga ang sakit, kapag puso na ang nasugatan *thank you, friend*. Pero tulad nga ng sinabi ng kaibigan ko, "Ang mga bagay na pinapayo mo sa ibang tao, ay mas epektibo sa'yo". Marahil nga, mas epektibo sa akin yung mga lagi kong payo. "Let time heal. Let tomorrow heal today..."

Nalulungkot ako, nalulungkot ako ng sobra sobra. Pero alam kong proseso lang ito na dapat pag daanan. Kailangan lang siguro na hindi ako magpadala sa mga emosyon ko. Masyadong maganda ang mundo para iwan. Masyadong mahalaga ang buhay para wakasan. Oo, gusto kong maging maayos ang lahat sa aming dalawa, pero alam kong hindi iyon mangyayari sa ngayon. Kailangan maayos ko muna ang sarili ko. At pag dumating ang araw na iyon, magsisimula ako ng bago. Isisiguro ko na sa araw na iyon, maipagmamalaki mo na ako. Pangako iyan.

"Mapipigil mo ba ang damdamin, kung nasanay nang umibig sa'yo?"

Missing You - Freestyle
Mapipigil mo ba? - Freestyle
Jigsaw - Lucida
Salamat ng marami, kaibigan... Sobrang salamat...

Labels: , , , , ,


posted by icarus_05 @ 9:28 AM Comments: 0

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>