Sunday, April 13, 2008
There and Back Again...
I held on to the card on my hand and took a last glimpse at her...
Naputol ang himbing ng aking pagkakatulog nang biglang tumunog ang aking telepono isang umaga. Pagkatingin ko, tumatawag na pala ang aking tatay. Hindi ko ito sinagot dahil akala ko ginigising lang niya ako, kaya kinansela ko ito at sinubukang matulog muli. Naputol nanaman ang aking tulog nang bigla ulit siyang tumawag makalipas ang ilang segundo, sa ngayon, sinagot ko na ito...
"Anak, pumunta ka nga sa iskul ni Dyan at kunin mo ung report card nya, di na ko makakabalik eh, wala ka naman lakad kaya ikaw na lang kumuha..."
Wala na akong nagawa, di naman kusang pupunta sa bahay namin yung report card na 'yon. Nagmadali akong nagbihis at pumunta na sa eskwela. Tanghali na noon, mataas na ang araw. Nakakasunog ang sinag nito, nakakabulag. Malas pa no'n at walang masakyan. Tumatagatak na ang pawis ko pero tiniis ko na lamang ito. Naghanap ako ng silong at doon na rin nakakita ng masasakyan. Sa wakas. Medyo siksikan sa jeep pero tiniis ko na lang, basta lang makasilong. Nagbayad na ako sa drayber, at makalipas ang ilang minuto, nakarating din sa paroroonan ko.
Tinakpan na ng mga ulap ang haring araw, luminaw sa paningin ko ang isang gusaling minsan na ring naging parte ng buhay ko. Dalian akong pumasok rito para makasilong bago pa man umalis ang mga ulap. Pag pasok ko, daliang bumalik ang mga ala-ala sa isip ko. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko, naglalaro sa ilalim ng puno malapit sa may gate, batang-bata pa, wala pang kamuwang-muwang sa tunay na mundo. Pinigil ko ang luhang malapit nang lumabas sa mga mata ko at pumasok na sa loob para makuha na ang report card ng kapatid ko.
Pag pasok ko pa lang sa pintuan, sinalubong na agad ako ng aking dating guro nung elementarya.
"Aba! (tumigil siya habang nakaturo sa akin) Ano ginagawa mo dito?" "Sir, si Richard po ako, di mo na ko kilala? Kunin ko po card ng kapatid ko..."
Bigla siyang tumawa sabay tapik sa aking balikat. Nakitawa na lang din ako at iniwan ko na siya do'n. Nagmadali ako dahil ayoko na manatili pa sa lugar na 'yon. Hinanap ko na agad ang section ng kapatid ko, di naman ako nahirapan sa paghahanap, nakita ko agad ito. Nakaupo doon ang kanyang adviser, hindi ko siya kilala, marahil ay bago lamang siyang pumasok doon. Nakikipag usap siya sa dati kong science teacher noong hayskul. Hindi nya ko napansin, pero nakita ako ng teacher ko noon at tinuro ako. Agad naman akong kinausap ng adviser. "Ah, kay Dyan ba? 'eto card nya, pirma ka dito tapos bigay mo rin 'tong dyaryo (school paper). Hinihintay niya yan, kasi featured siya diyan."
Hindi ko muna tinignan ang nasabing dyaryo, agad akong nagpasalamat sa adviser at nagpaalam na din. Dalian akong lumabas sa gusali, wala na akong pakialam kung mainit man ang panahon. Paglabas ko, tinignan ko na ang grades ng kapatid ko. Walang bagsak, matataas lahat. Itong ito rin yung mga grades na pinangarap ko noong hayskul pa ko. Nainis ako sa sarili ko, nagtatanong kung bakit hindi ko sineryoso ang buhay ko noong hayskul. Kaya ngayon, nahihirapan ako sa buhay kolehiyo. Tumigil ako sandali, tinignan ang eskwelahang minsan na ring naging parte ng buhay ko. "Salamat sa mga memorya..."
Dalian akong nakahanap ng jeep at umuwi na, iwan-iwan ang mga mapapait na karanasan sa dati kong paaralan. Pero minsan na rin sumagi sa isipan ko na... Miss ko na pala talagang maging isang highschool student... Labels: Drama, Dreams, Emo Moments, Random
Tuesday, April 01, 2008
She never knew...
Sabi nila, 'wag mo daw hanapin ang pag-ibig, kusa daw itong dumadating sa atin. Dapat lang maging patient. Pero pa'no mo nga naman malalaman kung nasa harapan mo na ang taong hinihintay mo kung wala kang ginagawa kundi mag hintay?
Naikot ang mundo ko sa katagang yaon. Maghintay... Maghintay... Pero minsan, sumagi din sa isip ko, nakakasawa din pala yung puro na lang hintay. Minsan, naisip ko na 'wag na lang ituloy ito, pero ano bang magagawa ko, kung sa lahat ng ginagawa ko ikaw at ikaw pa rin ang pumapasok sa isip ko?
Maaari nga siguro, napasok ka na sa sistema ko. Ni minsan, hindi kita makalimutan. Sinubukan kong mag hanap ng iba, pero wala rin nangyari. Mas lalo pa akong nahulog sa iyo. Hindi na kita ma-alis sa isip ko. Ayoko rin namang mawala ka sa buhay ko. Kaya heto, ano bang magagawa ko diba? Hintay...
Ang hirap nga namang magmahal ng taong may mahal ng iba... Labels: Drama, Emo Moments, Killing Time, Random
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|