Tuesday, October 23, 2007
The Lost Paradise...
He turned his back on her as his eyes filled with tears... Ngumiti siya panandalian, ngunit hindi pa rin niya maitago ang kalungkutang nasa kanyang puso. Tumitig lamang siya sa kawalan habang hawak ang kanyang malalambot na mga kamay...Malumanay niyang hinaplos ang kanyang malambot at mahabang buhok, dagliang pagkalma ng kalooban ang kanyang naramdaman sa mga oras na yaon. Hindi rin maitago sa kanyang mukha ang bakas ng kaligayahang minsan na ring naipagkait sa kanya. Tinitigan niya ang kanyang mga mata sabay na pagbulong ng kanyang mga nadarama. Ngumiti lamang ang dalaga, pero pansin ang pagkamanhid sa kanyang reaksyon. Napansin ito ng binata, kaya't unti unting humahapyaw ang kaligayahan na nadarama. Humiga silang dalawa upang pagmasdan ang bughaw na kalangitan. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Mahigpit ang pagkakapit niya dito, ngunit ang dalaga'y hindi man lang kumapit pabalik. Nawala ang paningin ng binata, puro kawalan ang lumabas na imahe sa kanyang utak. Wala na siyang naramdaman. Unti unti siyang kumalas mula sa pagkakahawak niya sa malambot na kamay ng dalaga.
"Ano na ang nangyari sa atin sinta?" Ang bulong ng binata. Napatingin sa kanya ang dalaga na may halong pagtataka sa kanyang mga mata. "Bakit? Hindi ka ba masaya na makasama ako?" Ang sagot niya. Pinikit niyang panandalian ang kanyang mga mata habang dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.
"May itatanong ako sa iyo, kung iyong mamarapatin." "Ano iyon?" "Masaya ka pa ba sa akin?" Sabay na pagtingin niya sa dalaga.
Tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga, hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Dahan dahan siyang tumayo at sumunod naman ang binata. Tinitigan niya ito sa mga mata.
"Hindi ko alam... Hindi ko alam..." "Hindi ko alam?" "Hindi ko alam, pero unti-unti nang nawawala ang nararamdaman ko para saiyo." "Ano? Bakit?" Tumahimik lamang ang dalaga
Napatigil ang binata sa kanyang pag hinga. Dalian namang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi siya makapag salita, hindi siya makagalaw. Tinalikuran niya ang dalaga upang hindi makita ang pagtulog ng kanyang mga luha. Naramdaman niyang dahan dahang sumandal ang dalaga sa kanyang likuran at hinawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay.
"Kahit anong mangyari, nandito lang naman ako diba?" "Alam ko naman iyon." "Huwag ka nang malungkot, hindi kita iiwan." "Huwag malungkot? Akala mo ba madali lang iyon?"
Pero nagtataka pa rin ang binata, kahit gaano kasakit ang nararamdaman niya, hindi pa rin niya lubos maitago na mahal pa rin niya ang dalaga. Pinilit niyang maging masaya, pinilit niyang ngumiti. Ngunit, hindi nga iyon ganoon kadali. Tumingala siya sa kalangitan. "Bahala na" ang tanging sinisigaw. Hindi niya akalaing sa sariling paraiso pa niya mag tatapos ang lahat. Malungkot niyang hinarap ang dalaga, at sabay na pag lisan niya sa kanilang nawalang paraiso...
Labels: Stories from the heart
Thursday, October 11, 2007
Why is it so hard to say goodbye...
Sorry for the late announcement... Siguro naman napansin nyo na din kahit hindi ko sabihin
Hindi maganda ang labas ng sem ko. Madaming bagay ang nagpagulo. Hindi ako nag seryoso, kaya siniguro ko na next sem, seryoso na talaga... That means, I'm gonna stop blogging for a while. Hindi ko alam kung kailan ako babalik o kung babalik pa ako.. Bahala na.
Ayun. Talk to you guys soon...
My 1st red layout.. Sana magustuhan nyo. :) Thanks Karla. ^^Labels: Blog leave
Monday, October 08, 2007
The Meme...
Sembreak is fast approaching, and so is our finals. Sorry kung medyo hindi ako nakakapost lately. I don't have the inspiration I need. Maraming nangyari, hindi ko alam kung maganda o pangit. Basta, my head hearts from all the thinking. Sana balang araw, matapos na rin ang kaguluhang ito sa kaisipan ko. Balang araw.
Buti na lang at binigyan ako ng meme ni Karla. Hehe, blogsaver! So here it goes...
Desktop Free View Instruction:
A.Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of fun. You can do a screen capture by:
[1] Going to your desktop and pressing the Print Screen key (located on the right side of the F12 key).
[2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V).
[3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.
B. Post the picture in your blog. You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of Icons, things like that.
C. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.
Here's my desktop. The explanation? Well...
The wallpaper, hmm. I confess, I cheated. That's not the original wallpaper. I changed it at the last minute. This was the wallpaper I made for my Friendster Layout. The drawing was by my friend Kris. The motto says: "I'd rather die sleeping and dreaming you're here, than waking up every morning noticing that... You're not real". The meaning? Hmm. Read between the lines. :)
For the icons, as much as possible, I want my desktop to be as clean as possible. So there... Wala na akong masabi. For the tag? Wala na akong itatag. Na-tag na lahat eh ^_^ sa mga gustong gumawa ng meme na ito, kayo na bahala. :)
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|